Patay ang isang rider nang pagbabarilin ng tatlong tandem habang kumakain ng tapsilog sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kaagad nasawi ang biktimang si Alvin John Mendoza, 23, ng 2368 Pasig Line Street, Sta. Ana, dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang nagsitakas ang anim na suspek na pawang mga nakasuot ng bonnet at maskara at lulan sa tatlong motorsiklo na walang plaka.

Sa pagsisiyasat ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 1:30 ng madaling araw nangyari ang pamamaril sa 2402 Pasig Line St., sa kanto ng San Andres Extension, Sta. Ana, Maynila.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)