NAPUNO na si Jaclyn Jose sa wala pa ring tigil na pamba-bash sa kanya, kay Andi Eigenmann at pati ang kanyang apong si Ellie ay idinadamay na. 

May napakatapang na basher na ang laswa ng mga itinawag kay Andi at ang last straw kay Jaclyn ay ang comment nitong, “I hope Ellie gets all the Karma para magising kayo sa napaka-hypocrite na stance niyo sa buhay. FAMILY of scams.”

Hindi nakapagpigil si Jaclyn at sumagot ng, “Gago ka! Hindi ka ba kinikilabutan sa ginagawa nio sa apo ko?! Sumusobra na kayo... I am asking help from DOLE I will find you and pay for what you have said to my grand daughter...”

Sinundan pa ito ni Jaclyn ng isa pang sagot na, “I will make sure that DOLE will deal with you... wala ka alam? Hindi mo alam kung paano ko pinaghirapan palakihin ang anak ko, hindi mo ako kilala, wala ka karapatan tapakan pagkatao ko... sisiguraduhin ko na babalikan kita.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang followers na ni Jaclyn na naaawa na sa kanila nina Andi at Ellie ang gumawa ng move para i-report sa IG management ang bashers for harassment and cyber bullying.

Pinakikiusapan si Jaclyn ng mga supporter nila ni Andi na gawin nang private ang settings ng IG niya para hindi na makapasok ang bashers, bagay na hindi pa ginagawa ni Jaclyn dahil busy. Marami kasing trabaho ang aktres gaya ng taping ng Alyas Robin Hood at A1 Ko Sa ‘Yo at may shooting pa ng pelikula.

Samantala, sa Wednesday episode ng Alyas Robin Hood, alam na ni Judy (Jaclyn) na si Pepe (Dingdong Dantes) si Robin Hood. Tutulong din si Judy sa pamimigay ng antidote sa mga nakainom ng zombie pills.

Hindi pa rin makapag-move on si Wilson (Dennis Padilla) sa nangyari sa kanyang negosyo, kakausapin niya sina Dean (Sid Lucero) at Maggie (Cheri Gil) para alamin kung sino ang sumabotahe sa negosyo niya. Makikita nina Dean at Chino sa Dog Eye blog na si Alyas Robin Hood ang may kagagawan ng lahat. (NITZ MIRALLES)