Kongreso, suportado ang laban vs Cojuangco sa POC.

Kinukumbinsi ng ilang Kongresista ang dalawang pangulo ng National Sports Association (NSA’s) na kumandidato kontra kay Jose ‘Peping’ Cojuangco bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).

Ayon sa isang NSA official na may direktang kinalaman sa binubuong alyansa, nakipagpulong ang dalawang Kongresista na may kinalaman sa sports sa ilang sports leader kamakailan kung saan sentro ng agenda ang pagsuporta sa sinumang lalaban kay Cojuangco.

“The two NSA officials are among those that are eligible to run for election based on the criteria set by the POC,” pahayag ng opisyal na tumangging pangalanan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Hindi na rin masikmura ng dalawang Congressman na galing sa sports ang liderato ni Mr. Cojuangco. Hindi totoo na bulag, pipi’t binge ang mag sports leader, gusto namin ng pagbabago at talagang naghahanap lang kami ng puwedeng ipantapat sa current POC chief,” sambit ng naturang opisyal.

Tahasang ipinahayag ni Cojuangco, tiyuhin ni dating Presidente PNoy at Tarlac Congressman, ang muling pagtakbo sa POC presidency sa ika-apat na termino sa Nobyembre 25.

Unang nahalal si Cojuangco sa POC noong 2004 at sa tulong ni dating athletics chief Go Teng Kok ay muling nanalo noong 2008 at 2012. Sa panahon ng liderato ni Cojuangco, hindi nakaahon sa ika-anim na puwesto sa overall standings ang Pilipinas sa Southeast Asian Games.

“It’s not true that nobody wants to run against the current POC president, in fact, there are some that are wanting to have change in the Olympic body,” sambit ng opisyal.

Kamakailan, nagpahayag na rin ng alyansa sina dating softball president at Congessman Harry Angping, Congresman Mikee Romero at dating POC president Celso Dayrit para magbuo ng bagong grupo sa POC.

Kinatigan din ni dating POC vice president at Manila Congressman Manny Lopez ng boxing ang nabubuong alyansa para patalsikin si Cojuangco sa puwesto.

Inamin ng naturang sports leader na nakapagtanim na ng suporta si Cojuangco dahil sa ginawang hokus-pokus sa ilang NSA kung saan namumuno ang kanyang mga ‘handpick’ tulad ng archery, bowling, swimming, canoe-kayak, karate, badminton at volleyball.

“Several NSA president are appointed by the POC like in billiards

and bowling, while others like volleyball and wrestling which got a favorable decision from the Board will most likely vote for them,” aniya.

“Pero pag nakita ng mga NSA na lumalakas ang hanay at solid ang suporta ng ibang sports leader sa House at Senate, may tulog si Cojuangco,” pahayag pa ng NSA leader.

Hanggang sa Oktubre 30 ang deadline para sa pagsumite ng kandidatura sa POC. (Angie Oredo)