Pinababawi ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang pagkakabasura ng kasong graft laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal Arroyo kaugnay ng naudlot na National Broadband Network-ZTE contract.

Idinahilan ng Office of the Special Prosecutors (OSP) ng anti-graft agency, na nakakagulat ang desisyon ng anti-graft court na nagsasabing “wala silang nakitang anomalya sa nasabing kontrata”.

Apela ng OSP, dapat lamang na baligtarin ng korte ang ruling nilang idismis ang kasong paglabag ng dating Pangulo sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officers through demurrer to evidence.

Kinontra rin ng OSP ang pahayag ng hukuman na “hindi napatunayan ng prosekusyon na may personal interest si Arroyo sa proyekto”. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'