Tuluyan nang hindi magigising sa pagkakatulog ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng apat na armado sa Malabon City, nitong Sabado ng gabi.
Dead on arrival sa Tondo Medical Center si Mauricio Recto, 59, ng C4 Road, Barangay Taniong ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa report ni SPO1 Rolando Hernando, dakong 11:00 ng gabi, natutulog ang biktima sa gilid ng kanyang tricycle nang dumating ang mga suspek na lulan sa dalawang motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril si Recto.
Napag-alaman na dating sangkot sa ilegal na droga ang biktima ngunit nagbagong buhay na umano ito sa pamamagitan ng pamamasada. (Orly L. Barcala)