Walang ambisyong maging mayor, lalo na ang maging pangulo ng bansa.

Sa pagpapatuloy ng kwento hinggil sa kanyang buhay, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na noon, ang ambisyon lamang niya ay maging judge para maipadala niya sa mahusay na paaralan sa Maynila ang kanyang mga anak.

“Tell you the secret of life. Me, all of my expectations in my youth, in the days of my youth ‘no, ang expectation ko baliktad. I never wanted to be mayor, I just wanted to be judge,” ayon sa Pangulo sa ginanap na agri-business forum sa Davao City nitong Biyernes.

“I never wanted to be president. I was not there to file my certificate (of candidacy),” dagdag pa nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayaw daw niyang maging pangulo, hanggang bisitahin siya sa Davao ni dating Pangulong Fidel Ramos at ng malalaking tao para sermunan siya dahil tinatanggihan niya ang magsilbi sa bansa.

Ngayon, napagtanto na raw ng Pangulo na nang maging mayor siya, maging congressman at maging Pangulo ay kanyang destiny.

“What evolved in my life were the very opposite of the things which I was really looking at into my future so it’s a matter of destiny,” pahayag nito. “It’s always a matter of maybe destiny. Maybe God placed you there to precisely, to do the things that must be done to help the Filipino.”

Si Duterte, law graduate ng San Beda College, ay nakakuha ng landslide victory noong May polls.

Ipinapangako niyang wawakasan niya ang korapsyon, krimen at droga sa bansa.

Mayor Duterte

Nang maging alkalde sa Davao, inamin ni Duterte na ayaw niya ang kanyang buhay.

Mas gusto kasi niyang maging ‘top prosecutor’. Sinabi ng Pangulo na “love of my life” niya ang paglilitis sa korte.

“If you ask them, that all I wanted was a promotion from a prosecutor to be a judge. Kasi ang sweldo ng judge could finance really a son or daughter to study in Manila. Alam ko gusto ng mga anak ko ‘yan,” kwento pa ng Pangulo.

Dahil walang interes sa kapangyarihan, hindi natitinag ang Pangulo sa mga bantang patatalsikin siya sa pwesto.

“I just read it from my overseas-based opinion writer, about me being ousted by people power – be my guest. I don’t give a shit,” dagdag pa nito.

Malungkot si Digong

Ngayong Pangulo na, malungkot pa rin si Digong. Ang dahilan—mag-isa lang siya at walang privacy.

Tuwing gabi, mistula umano siyang ‘chief clerk’ ng gobyerno dahil bago matulog, magbabasa muna siya ng folder mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

“My earliest go home time in Malacañang is on the average, two o’clock, two, three, four (a.m.). Then I wake up because my day starts at one (o’clock p.m.) to attend to all the business of the government. Again, I go home,” kwento nito.

Minsan ay hindi na rin umano siya naghahapunan at kumakain na lang ng sandwich.

“It’s lonely. Alone,” dagdag pa ng Pangulo. “Hindi ko man mayakap mga guwardya kay lalaki man.”

(Genalyn D. Kabiling at Elena Aben)