Sentro ng atensiyon ang mga dating collegiate at amateur standout sa PBA drafting sa Oktubre 30.

May kabuuang 17 manlalaro sa pamumuno nina dating Far Eastern University standout at kasakukuyang Cafe France forward na si Carl Brayan Cruz at ang kanyang kakampi sa koponan ng Bakers at ace guard ng Centro Escolar University na si Aaron Jeruta, .

Kasama din sa mga maagang aplikante sina Billy Robles buhat sa Northern Iloilo Polytechnic State College, dating Jose Rizal University playmaker Jaycee Asuncion, at Emilio Aguinaldo College guard Jan Jamon., Fil-Ams Ryan Arambulo at Rashawn McCarthy, Filsports Basketball Association (FBA) MVP Levi Hernandez , Joseph Eriobu at Jessie Saitanan ng Mapua, St. Clare College big man Raymond Jamito at forward Jayson Ibay, mga dating UE players Jairold Flores at Erwin Duran at nga Fil- foreign player Timothy Habelito ng Queensland University of Technology sa New Zealand, Cedrick Ablaza, ng STI at Jericho de Guzman ng St.Benilde.

Samantala batay sa draft order, mauunang pipili Blackwater, susunod ang Phoenix, pangatlo ang Ginebra, bago ang Mahindra, panglima ang Star ,sunod ang San Miguel Beer, sunod ang Meralco, NLEX, Rain or Shine, Ginebra ulit ang pangsampu, bago ang Alaska at panghuli ang Phoenix na nauna ng nakuha ang second pick mula sa Star.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kapwa walang first round pick ang Talk ‘N Text at Globalport dahil sa mga naunang trade.

Wala pa ring pick sa second round ang Katropa kung saan unang pipili ang NLEX, kasunod ang Elasto Painters, Globalport, Meralco, Alaska. Rain or Shine ulit, Globalport, Phoenix, sa ikatlong pagkakataon ang ROS ulit, Mahindra, Alaska at Fuel Masters. (Marivic Awitan)