Tuluyang nagwakas ang buhay ng dalawang lalaki na umano’y kilabot na holdaper at tulak ng ilegal na droga makaraang manlaban sa “Oplan Tokhang” ng Quezon City Police District (QCPD) sa Fairview, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng hepe ng Fairview Police Station 5 na si Police Supt. Alex Alberto ang napatay na suspek sa alyas na “Roy”, ikaanim sa listahan ng drug personalities at umano’y kilabot na holdaper, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang suspek.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), dakong 12:10 ng madaling araw kahapon nangyari ang engkuwentro sa pagitan ng dalawang armadong suspek at mga operatiba ng Station Anti–Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng QCPD PS5.

Base sa imbestigasyon, sa kalagitnaan ng transaksiyon ay nalaman ng mga suspek na isang pulis ang kanilang kaharap dahilan upang sila’y bumunot ng baril at nagkapalitan ng putok hanggang sa duguang humandusay ang mga ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakuha sa lugar ang isang .38 caliber, 9mm pistol, mga basyo ng bala at hindi malamang halaga ng shabu.

(Jun Fabon)