Laro ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

7 n.g. -- Ginebra vs Meralco

Kings vs Bolts sa Game 1 ng PBA Finals.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Magkaiba ng katauhan, ngunit magkatulad sa hinahangad.

Naghihintay ang kasaysayan sa mananaig sa pagitan ng Meralco Bolts at crowd-favorite Ginebra Kings sa pagsisimula ng kanilang best-of-seven titular series ng OPPO-PBA Governor’s Cup ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Maituturing bagito sa tensyon ng kampeonato ang Bolts, ngunit hindi pahuhuli sa character ang frontliner ng Meralco na napatunayan nang silatin ng No.4 seed ang top seed Talk ‘N Text sa semifinal series.

Target ng Meralco ang kauna-unahang titulo sa prangkisa mula nang sumalang sa liga may limang taon na ang nakalilipas.

Ngunit, higit pa sa buwenas ang kailangan ng Bolts sa kanilang pakikipagtuos sa Kings ganap na 7:00 ng gabi.

Buhay na buhay ang tradisyon na ‘never-say-die’ spirit sa Kings at ang pagdagsa ng barangay sa venue ay isang indikasyon na desidido ang Ginebra na muling makatikim ng kampeonato sa nakalipas na tatlong taon.

“This would be war,” pahayag ni Meralco coach Norman Black.

‘We’re up against a team who love by everybody in barangay. We need to play smart,” pahayag ni Black.

Kapwa uhaw sa titulo ang magkabilang panig kung kaya’t buhos ang lahat pati pamato’t panabla sa unang sigwa pa lamang ng laban.

"The organization maybe new in the finals but Norman Black has been there multiple times," sambit ni Ginebra coach Tim Cone.

Bukod kay Black, nasa panig ng Bolts ang beteranong si Jimmy Alapag.

"Jimmy knows how to win. He knows how to make his teammates win," pahayag ni Cone.

"I don't see them as a novice group that anybody else does." (Marivic Awitan)