sanbeda-copy

Mga Laro Ngayon

(MOA Arena)

1 n.h. -- Mapua vs San Beda (jrs.)

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

3:45 n.h. -- Arellano vs San Beda (srs)

Target na 9th title ng Red Lions, pipigilan ng Chiefs.

Kasaysayan ang naghihintay sa San Beda. Nakaabang naman ang Arellano Chiefs para tambangan ang Red Lions.

Dadagundong ang hiyawan sa MOA Arena sa paghaharap ng defending champion San Beda at matikas na karibal na Arellano sa Game 1 ng best-of-three titular showdown ngayon sa NCAA Season 92 seniors basketball championship.

Tangan ang No.1 seeding, itinaggi ni San Beda coach Jamike Jarin na nasa panig ng Red Lions ang bentahe sa maigsing serye kung saan nakataya ang pahina ng kasaysayan para sa Morayta-based cagers.

Nasa ika-11 sunod na final series, target ng Red Lion ang ika-siyam na kampeonato.

Nakatakda ang duwelo ganap na 3:45 ng hapon.

Tatangkain naman ng Red Cubs na makamit ang ikawalong sunod na kampeonato at ika-23 sa kabuuan sa pakikipagtuos sa Mapua Red Robbins sa 1:00 ng hapon.

"We are the underdogs here," pahayag ni Jarin.

"We're just doing something right, and hopefully we keep doing the right way,’ aniya.

Sa panig ng Chiefs, umaasa si coach Jerry Codiñera na hindi mawawala ang konsentrasyon ng koponan para makagawa ng sariling kasaysayan sa pinakamtandang collegiate league sa bansa.

"Yung confidence, yung teamwork lalo na sa defense, hindi sana mawala yung nabuong character ng team na ito," sambit ni Codiñera.

Sasandig ang Chiefs sa backcourt duo nina Kent Salado at Jiovani Jalalon, nagsumite ng matikas na numero sa kabuuan ng kampanya ng Arellano sa torneo.

‘Hinog na ang mga players. Siguro ito na ang tamang panahon para sa team,” sambit ni Codinera. (Marivic Awitan)