BOGOTA (Reuters) – Ibinasura ng mga Colombian ang kasunduang pangkapayapaan sa mga rebelde sa referendum nitong Linggo.

Dahil dito, mistulang inilublob sa kawalan ang bansa at ang planong wakasan ang 52-taong digmaan na pinagsikapan ni Pangulong Juan Manuel Santos.

Nakuha ng “no” ang 50.21 porsiyento ng boto laban sa 49.78% yes vote. Umabot lamang sa 37% ang mga botante na nakaboto dahil sa malakas na ulan sa buong bansa.

Kaagad na tiniyak ng gobyerno at ng mga rebelde na tuloy ang kanilang pagsusulong sa kapayapaan.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“I will not give up, I will keep seeking peace until the last day of my term because that is the way to leave a better nation for our children,” sabi ni Santos, 65, na matatapos ang ikalawa at huling termino sa Agosto 2018.

Ito rin ang mensahe ng commander ng Revolutionary Armed Forces of Colombia o FARC, na si Rodrigo Londono alyas “Timochenko” mula sa Havana, kung saan ginanap ang mga negosasyon sa nakalipas na apat na taon.

“The FARC reiterates its disposition to use only words as a weapon to build toward the future,” aniya. “To the Colombian people who dream of peace, count on us, peace will triumph.”