Isang menor de edad na helper ang pinagtulungang saksakin hanggang sa napatay ng isang mag-ama na dati niyang nakaalitan sa Binondo, Maynila, nitong Linggo ng gabi.

Dalawang saksak sa leeg ang ikinasawi ni Jayson Empenado, 17, helper, habang tinutugis na ng mga awtoridad si Joel Trinidad, 40, tricycle driver; at 16-anyos nitong anak, pawang taga-Parola Compound.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, dakong 8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente. (Mary Ann Santiago)

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University