Pinagtibay ng House Committee on Transportation ang House Bill 5 na nagpapataw ng matinding parusa sa mga nagmamaneho nang lasing at nakadroga 0 driving under the influence of alcohol, dangerous drugs.

Ipinasa ng komite ni Rep. Cesar Sarmiento (Lone District, Catanduanes) ang panukala na inakda nina Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas, Minority Leader Danilo Suarez, Deputy Speaker Raneo Abu, Deputy Speaker Rolando Andaya, Jr., Reps. Michael John Duavit, Carlos Cojuangco, Karlo Alexei Nograles, Elisa Kho, Benhur Salimbangon at Rodel Batocabe.

Inaamyendahan nito ang Section 12 ng Republic Act 10586 (“Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013”) para palakasin pa ang kampanya na gawing ligtas ang mga kalsada at maiwasan ang mga pagkamatay dahil sa drunk driving.

Batay sa rekord ng PNP Highway Patrol Group, tumaas sa 498 nitong 2014 mula sa 390 noong 2013 ang bilang ng mga aksidente sa lansangan dahil sa pagmamaneho ng lasing. (Bert de Guzman)

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador