Chris Bosh,Tony Parker

MIAMI (AP) – Desidido si Chris Bosh na makapaglarong muli at ituloy ang career sa Miami Heat. Ngunit, para kay team president Pat Riley wala na siyang babalikan.

“I think Chris is still open-minded. But we are not working toward his return. We feel that, based on the last exam, that his Heat career is probably over,” pahayag ni Riley sa panayam ng South Florida Sun-Sentinel nitong Lunes (Martes sa Manila).

Ipinahayag ng Heat management kamakailan na hindi binigyan ng ‘medical clearance ‘ ang 11-time All-Star para makasama sa training camp ng Heat.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ayon sa isang opisyal na tumangging pangalanan, ang ‘blood clotting’ na naging dahilan nang kanyang pagkasidelined sa nakalipas na season ang dahilan.

Sakaling hindi na palaruin ang 32-anyos na si Bosh dahil sa naturang kondisyon, posibleng hilingin ng Heat sa NBA na balewalain ang US$75 milyon na nakapaloob sa salary cap nang huling lumagda ng kontrata si Bosh. Sa pagkakataon na bitiwan ng Heat si Bosh sa pamamagitan ng ‘medical waiver’ at makalaro ito sa ibang koponan, mananatili ang sahod ni Bosh batay sa salary cap regulation sa susunod na tatlong season.

Sa kabila ng desisyon ni Riley, determinado si Bosh na magbalik laro sa koponan na ginabayan niya sa dalawang NBA title.

“Setbacks may happen, but my intentions remain the same. Thank you all for the warm wishes and support,” pahayag ni Bosh sa kanyang Twitter.

Iginiit naman ni Riley na hindi nila pipigilan ang nais ni Bosh na maglaro sa ibang koponan.

“That’s up to him,” aniya.

“It’s pretty definitive from us, in our standpoint, that this is probably going to be a time where we really have to step back,” sambit ni Riley.

Iginiit ni Riley, nagpapirma kay Bosh ng multi-million deal noong 2010 at 2014 para sa limang taong kontrata na nagkakahalaga ng US$118 milyon, na kung pamimiliin siya sa “health, playing, at economics”, mas makatwiran ang kalusugan sa player.

“Whatever the cap ramifications are, they are there, but we never ever thought about that.”

Matapos ma-dignosed ang ‘blood clotting’ kay Bosh, may apat na buwan siya para makipag-usap sa ibang koponan na puwedeng kumuha sa kanya at pumayag na paglaruin siya sa kabila ng kanyang kondisyon batay sa ‘right to disagree’ sa resulta ng pagsusuri ng mga doctor.