BONGABON, Nueva Ecija - Dahil sa pinaigting na kampanya ng pulisya kontra ilegal na droga, bumagsak sa kamay ng pinagsanib na mga operatiba ng Bongabon Police at Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force-Drug Enforcement Unit ang isang barangay kagawad sa buy-bust operation sa Barangay Antipolo sa bayang ito, nitong Linggo ng hapon.

Ayon kay Bongabon Police chief Senior Insp. Nestor Fabro, nasakote ng grupo ang umano’y tulak na si Renol Francisco y Cucal, kagawad sa Bgy. Antipolo, dakong 5:45 ng hapon matapos makipagtransaksyon sa poseur buyer.

Nasamsam sa suspek ang isa pang maliit na transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at marked money. (Light A. Nolasco)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar