Sumandal ang Jamfy Pioneers- Secret Spices sa kabayanihan ni dating Jose Rizal University mainstay Kenny Santos sa 97-96 overtime win kontra New San Jose sa 2016 MBL Open Second Conference basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Humugot si Santos, isa sa kambal na JRU player na naglalaro ngayon sa Jamfy, sa makapigil-hiningang salaksak sa huling 23 segundo para sa game-winner.

May tsansa pa ang San Jose Builders na agawin ang panalo, subalit sumablay ang huling tira ni Lucky Palogan sa buzzer at makumpleto ng Jamfy ang panalo sa torneo na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Bread Story, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.

Umusad ang Jamfy sa 95-91 bentahe matapos ang magkasunod na basket ni dating Ateneo player John Apacible may isang minuto ang nalalabi sa extra period.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakabawi ang San Jose sa lay-up ni Jayson Grimaldo at three-pointer ni Palogan para agawin ang bentahe sa 96-95 may 30 segundo sa laro.

Nanguna si Toffe Santos sa Jamfy sa naiskor na 21 puntos, kasunod si Apacible na may 20 puntos at 12 rebound. Kumubra rin sina Mario Basco at Mike Jimenez ng 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod sa koponan na ginagabayan ni coach Jigs Samaniego, consultant Vincent Pasquin at playing manager Macky Villarta.