“Put***ina mo! Ako pa ang tinalo mo!”

Ito umano ang sinabi ng isang lalaki bago tuluyang pinagbabaril ang isang binata sa hinihinalang kaso ng resbak sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Nestor Mariano, 37, ng 126 Laurel Street, Don Bosco, Tondo, Maynila dahil sa tinamong tama ng bala sa leeg.

Habang nadaplisan naman ng bala ngunit nasa maayos nang kondisyon ang tinderang si Teresita Brillantes, 51, ng 300 Coral St., Tondo.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 12:10 ng madaling araw nangyari ang pamamaril sa Coral St., Tondo.

Naglalakad umano sa nasabing lugar si Mariano nang bigla siyang buntutan ng suspek na lulan sa motorsiklo.

Kinumpronta umano ng suspek ang biktima at sinabing, “Put***ina mo! Ako pa ang tinalo mo!” bago tuluyang binaril sa leeg nang malapitan.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad. (Mary Ann Santiago)