Kakasuhan ng illegal possession of firearms at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang sinasabing kanang kamay ng wanted na umano’y drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa, makaraan itong sumuko sa Albuera Municipal Police sa Leyte nitong Biyernes.
Ayon kay Chief Supt. Jovie Espenido, hepe ng Albuera Police, sasampahan ng nasabing mga kaso si Max Mero, umano’y kanang kamay ni Espinosa, kasunod ng pagsuko nito sa pulisya.
Sinabi ni Espenido na isinuko rin ni Mero nitong Biyernes ang kanyang .9mm pistol at tatlong kilo ng shabu.
Kabilang si Mero sa apat na tauhan ni Espinosa na pinangalanan ni Albuera Mayor Rolando Espinosa bilang mgakasabwat ng kanyang anak.
Una nang sumuko sa himpilan ng Albuera Police ang iba pang mga tauhan umano ni Kerwin na sina Tony Pit Zaldivar, Denan Rondina at Galo Bobares. (Fer Taboy)