vergel-meneses-copy

Itinalaga bilang isa sa mga paboritong umabot ng Final Four round ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament, hindi nagawang pangatawanan ng Jose Rizal University ang kanilang pre-season billing.

Dahil dito, sinabi ni JRU Heavy Bombers coach Vergel Meneses na kinakailangan nilang lahat sa team ng “evaluation” kung bakit nangyari ang kabiguan ng koponan na umusad ng Final Four.

“Kelangan namin mag-evaluate, evaluate namin lahat kung saan nagkamali. Isa ring tingin ko, we don’t have a leader on the team,” ani Menese.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

“Walang Michaell Mabulac, walang Dave Sanchez. Wala kaming ganoon. For the past two years, wala. Buti nga nakalusot ako last year. Wala kaming vocal,” wika nito na tinutukoy ang isang lider na para sa koponan na makapagsasalita sa kanyang mga kakampi at susundin sa loob ng court.

Ito ang nakita ng dating PBA MVP na kulang sa kanyang team. Isang manlalaro na maaaring maging koneksiyon niya o extension niya sa loob ng court.

“First round namin, ang sama agad. Then we lost sa mga team na alam ko tatalunin namin (Perpetual, EAC),” ani Meneses. “Ang problema JRU.”

“Tingin nila kaya nila. Isa din yung pride. Wala yung pride.”

Balak niyang magkaroon ng malaking pagbabago sa kanyang koponan kung saan hindi aniya lahat ng nakaline-up sa kasalukuyan ay magkakaroon ng pagkakataong manatili sa team.

“Next week, we’ll evaluate everything: what went wrong, anong kailangan palitan, sino kailangan maglaro para sa akin sa mga Team B ko. Pontejos, Dela Paz, Cruz. Di naman sure din na yung naka-lineup will be back next year,” ani Meneses na nasa ikapitong taon na ng pagiging mentor ng Heavy Bombers.

“There’s no guarantee.”

“Titignan ko rin yung off the bench na di ko naman napakinabangan at di naka-contribute, ibababa ko muna sila,” dagdag nito.

“Pati coaches ko, yung mali ko. Di lang pwede isang side lang na puro players,” wika pa ni Meneses. (Marivic Awitan)