nietes-copy

Nietes vs Sosa, hitik sa aksiyon.

CARSON, California – Kapwa marubdob ang hangarin na manalo, ngunit nagpakita nang katiwasayan sa isa’t isa sina Donnie ‘Ahas’ Nietes at Mexican Edgar Sosa sa isinagawang press conference para sa kanilang 12-round duel Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa Stubhub Center dito.

Taliwas sa nakasanayang batuhan nang maanghang na salita at yabangan, payapang naisagawa ang media day ng ‘Pinoy Pride 38: Philippines vs Mexico” sa Carson Civic Center.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“Every champion has his own qualities and I see Nietes as one of those great champions with his skills. He’s got speed and I look forward to a great fight,” pahayag ni Sosa.

Hindi naman nakaligtas sa mapanuring mata ng boxing aficionados ang matalim na tingin ng 37-anyos na si Sosa kay Nietes nang magharap para sa tradisyunal na faceoff.

“Tignan na lang natin sa ring. Alam ko naman magaling din siya at mahaba experience kaya mapapalaban din siguro ako,” pahayag ni Nietes.

Sasabak ang 34-anyos na si Nietes sa flyweight class sa unang pagkakataon matapos pagharian sa mahabang panahon ang minimumweight at lightflyweight division.

Iginiit naman ni ALA Promotions president Michael Aldeguer na handa si Nietes na pagbidahan ang naturang division.

“With where Donnie is right now, there is no point of fighting so-called unknown fighter. If he can’t win against Sosa, then there’s no point of campaigning in this division,” sambit ni Aldeguer.

“Sosa is a good gauge to see where he’s at and we need to see where he stands here in this division.”

Sakaling manalo, masisiguro ni Nietes na makuha ang tsansa para sa bakanteng WBO flyweight crown na binakante ni longtime champion Juan Francisco Estrada ng Mexico na umakyat na sa super flyweight division.

Ibinigay kay Nietes ang No.1 contender sa 112 lbs. division bunsod ng makasaysayang paghahari niya sa loob ng nakalipas na walong taon sa WBO minimumweight at light flyweight title.

Posibleng makaharap ni Nietes sina two-time Olympic gold winner Zou Shiming ng China at Thai prospect Kwanpichit Onesongchaigym.