Dalawampung miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nakabase sa Sumisip, Basilan, at pinamumunuan ng sub-leader na si Katatong Balaman, alyas “Tatong”, ang sumuko sa militar nitong Huwebes.

Sinabi ni Philippine Army Major Filemon Tan, Jr., tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom), na 20 miyembro ng Abu Sayyaf ang sumuko sa 104th Brigade, 1st Infantry Division ng Philippine Army, sa ilalim ni Colonel Thomas C. Donato, Jr., Brigade Commander, at sa lokal na pamahalaan ng Sumisip, na pinamumunuan naman ni Mayor Gulam Boy Hattaman, sa pakikipag-ugnayan sa 64th Infantry Battalion.

Sinabi ni Tan na walong matataas na kalibre ng armas at dalawang locally-made shotgun din ang isinuko ng mga bandido.

Ayon kay Tan, ang grupo ni Tatong ang responsable sa ilang pananambang at pakikipagsagupa sa militar sa mga barangay ng Sukaten at Baiwas sa Sumisip.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“This is the result of the relentless operation we are conducting where they suffered lots of casualties. These Abu Sayyafs now fear for their lives, leading to the surrender,” ani Donato.

Noong nakaraang buwan, sinalakay ng Army ang mga teritoryo ng Abu Sayyaf sa Baguindan, Tipo-Tipo.

“We are very open for surrenderees. We want to end this war in peace and pave the way for development in Basilan,” ani Tan.

Naniniwala naman si Mayor Hattaman na maraming iba pang miyembro ng Abu Sayyaf ang nais nang sumuko sa gobyerno.

(FRANCIS T. WAKEFIELD)