Umani ng mura, pambabastos at mga banta si Senator Leila de Lima nang maisapubliko ang kanyang cellphone number sa pagdinig ng House Committee on Justice, dahilan upang ihayag nito na hindi na siya ligtas at kailangan na niya ng proteksyon.

Hanggang kahapon, umabot na sa halos 3,000 text messages ang natanggap ng Senadora, karamihan ay hindi na umano niya binasa dahil puro pambabastos at pagbabanta umano ang mga laman nito.

Ilan sa mga mensahe na hindi masyadong opensiba ay binanggit ni De Lima sa isang press conference. Kabilang dito ang mga messages na “Ang kapal ng mukha mo, mahiya ka magbasa ka sa Internet at try mo pakinggan ang mga tao galit na galit na sayo. Coddler, immoral, pangit!”

“Hoy Delimaw, kelan ka magbabaril sa ulo mo? Kahit katiting wala ka na ba konsensiya? Kahihiya buking na buking ka na tell the truth.”

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“Matanda ka na, konti na lang life mo sa earth. ‘Di ka ba scared die sinful. Puwera na lang hell gusto mo go,” pagbasa pa ni De Lima.

Ang cellphone number ni De Lima ay naisapubliko nang sabihin ni convict Herbert Colangco na nakausap niya si De Lima sa telepono noon, upang kumpirmahin ang milyones na ibinibigay niya sa security aide ng una.

I am not safe

Samantala ikinukunsidera ni De Lima ang paghingi ng karagdagang security kay Senate President Aquilino Pimentel III, dahil hindi na umano siya ligtas.

Lumipat na rin umano ng bahay si De Lima, bilang pag-iwas sa mga nagbabanta sa kanya.

“Can I rely on government authorities in government? Can I rely on the Philippine National Police (PNP) for my security? Can I rely now on the National Bureau of Investigation (NBI) for my security? I’m referring to them as institutions. Can I rely on the Armed Forces of the Philippines (AFP) as an institution? I think you know the answer to that already,” ani De Lima.

Palasyo nanawagan sa texters

Sa Malacañang, sinabi naman ni Presidential Communications Operations Secretary Martin Andanar na handa ang pamahalaan na bigyan si De Lima ng seguridad.

“For the supporters of the President, let us be responsible in our text messages. It is not good that we are threatening our own. Senator De Lima is a senator, she’s an elected official of the land,” ayon kay Andanar.

Tatakbo sa SC

Pinag-iisipan na rin umano ng Senadora ang pagdulog sa Supreme Court (SC) upang magpasaklolo.

“I’m mulling over several actions, including (filing a) writ amparo, habeas data. I’m a subject of persecution and I’m no longer safe. I don’t feel safe. The truth is I’m not safe,” ani De Lima.

Sa kabila ng mga panawagang magbitiw na siya sa posisyon, sinabi ni De Lima na hindi niya ito gagawin.

“Should I? I’m the one they are persecuting for non-existent accusations and then I will be the one to resign?” ani De Lima.

Gov’t asset

Ibinunyag ni De Lima na isang government asset ang drug lord na si Jaybee Sebastian sa anti-drug campaign ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

“The reason I’m saying that he’s an asset is because to dispel ‘yung mga haka-haka na naman, ‘yung malicious insinuations na the reason why hindi na muna s’ya sinama doon sa Bilibid 19 because favored, protektado at lalo na ‘yung insinuation na ‘yan na s’ya ang komokolekta para sa akin,” ani De Lima sa isang press conference.

Samantala si Sebastian na umano ang bahalang magpaliwanag kapag humarap ito sa House probe.

Magugunita na sinabi ng mga testigo na nakita nila si De Lima na pumasok sa loob ng kubol ni Sebastian sa New Bilibid Prisons (NBP) noong Justice secretary ito. Naglagi pa umano ng hanggang tatlong oras ang Senadora sa nasabing kubol.

Si Sebastian din umano ang nagpalipat ng piitan sa ‘Bilibid 19’ o mga presong nakagalit at inestapa ng drug lord.

Sinabi ni De Lima na hindi nalipat si Sebastian dahil nagtatrabaho ito bilang asset ng gobyerno.

(Leonel M. Abasola at Hannah L. Torregoza)