May kabuuang 48 player, tampok ang pangunahing junior campaigner at papasikat na woodpusher, ang magtatagisan ng husay at diskarte sa pagsulong ng Shell National Youth Active Chess Championships grand finals sa Oktubre 1-2 sa SM Megamall sa Mandaluyong City.

Ang tinaguriang elite field, nakalusot sa pahirapang five-stage regional elimination, ay muling sasabak sa nine-round Swiss system tournament na itinataguyod ng Pilipinas Shell.

Gagamitin ang 20 minuto na may five time-delayed mode (Bronstein system) sa championship round.

Liyamado ang kinatawan ng Big City, ngunit handa at hindi pahuhuli ang mga probinsiyanong chess protégée na pursigidong masundan ang mga yapak ng mga pamosong produkto ng torneo tulad nina Grandmaster Wesley So, Mark Paragua at Nelson Mariano II.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inaabangan ang dikdikang duwelo sa kiddie, junior, seniors, at women’s division kung saan tampok ang 15 finalist na nakihamok laban sa lalaking karibal sa kani-kanilng regional elimination sa torneo na suportado ng National Chess Federation of the Philippines.

Kabilang sa aabangan sina NCR qualifiers Rheam De Guzman ng Marie Margareth School (kiddie), Francois Magpily (junior) at Rowelyn Joy Acedo ng La Salle (senior); Southern Luzon leg winner Jerlyn San Diego ng The First Uniting Christian School (kiddie), Kylen Joy Mordido ng Dasmariñas National HS (junior) at Ruth de Guzman of UP (senior); Cebu leg champion Alphecca Gonzales ng Dunggoan Elem. School (kiddie), Natori Diaz ng Sagay Nat’l HS (junior) at Laila Nadera ng Univ. of San Carlos (senior);

Davao stage champions Aliyah Lumangtad ng Magugpo Pilot Imelda ES (kiddie), Kristensen Banguiran ng Holy Trinity College-Gen. San City (junior) at Starjen Candia ng Cor Jesu College-Digos City (senior); gayundin ang Cagayan de Oro finalist na sina Regina Quinanola ng Malabuyoc Central School (kiddie), Mary Joy Tan ng Jasaan National High School (junior) at Janes Caingles ng Holy Cross of Davao College (senior)