Setyembre 22, 1862 nang mag-isyu si dating United States (U.S.) President Abraham Lincoln ng preliminary Emancipation Proclamation na nagsasabing mahigit tatlong milyong alipin na idinetine sa U.S. ay palalayain makalipas ang 100 araw, o sa Enero 1, 1863.

Binago rin ng nasabing pahayag ang Civil War bilang “fight against slavery” mula sa “war restoring the Union,” na pinanatili ni Lincoln nang magsimula ang problema noong 1861, ilang araw matapos siyang hirangin bilang ika-16 na pangulo ng America.

Sa pamamagitan ng proklamasyon, ang mga military unit sa Union forces ay binuo. Aabot sa 18,000 African American ang naglingkod sa army; at 18,000 naman sa navy.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC