mark-neumann-copy-copy

KUMPIRMADO nang hindi na si Alden Richards ang leading man ni Jennylyn Mercado sa koreanovelang gagawan ng Pinoy version, ang My Love From The Star.

 

Malapit na kasing simulan ang seryeng pagsasamahan nina Alden at Maine Mendoza na aprubado na ng GMA at APT Entertainment.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Hindi naman puwedeng maghintay si Jen kay Alden dahil kailangan na ring mag-taping ng aktres ng My Love From The Star ngayong Oktubre.

Naunang nabalitang on-hold ang serye ng aktres, pero kaagad itong klinaro ng source naming taga-Siyete, “hindi totoong on-hold, tuloy ‘yan. This October magti-taping na ang My Love From The Star, may napusuan na sa mga nag-audition as leading man for Jen. Magwo-workshop muna ‘yung napili.

 

Tinanong namin kung si Mark Neumann ang leading man ni Jennylyn para sa MLFTS, “hindi,” mabilis na sagot sa amin.

 

Pero hindi naman kami sinagot kung kasama ang dating TV5 actor sa My Love From The Star.

 

Samantala, out na sa record bars ang bagong album ni Jennylyn na may titulong Ultimate mula sa Ivory Records na naglalaman ng mga awiting Nakaw Tingin, Suddenly (ka-duet si Christian Bautista), Huling Paalam, Hagdan, Lampara, Magkaibang Mundo, Bulalakaw (kasama ang Silent Sanctuary) at may bonus track na Christmas song na may titulong Nakaraang Pasko na originally sung by Kuh Ledesma at may version din si Carol Banawa, sinulat ni Tats Faustino.

(Reggee Bonoan)