daniel-copy

KASAMA ang mga kamiyembro namin sa Greeters and Collectors Ministry ng Sto. Niño de Tondo ay pinanood namin last Monday ang pelikulang Barcelona: A Love Untold sa Trinoma. 

Punung-puno ang sinehan, huh!

Sobrang lakas ng pelikula at sabi pa nga ng isa sa mga kasama namin, walang dudang ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang numero unong pinakasikat na tambalan ngayon.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kaya nga ganoon na lang ang pasasalamat ng dalawa sa appreciation night ng KDKN Solidarity Community, mga grupo ng mga tagahanga ng tambalan nila bilang paggunita ng ikalimang taong anibersaryo ng love team. 

“Sa mga supporters, grabe, sobrang... ganito pala ang pakiramdam. Parang gusto mong mag-break down sa tuwa, pinipigilan ko lang, Gusto kong magpasalamat dahil ngayon, parang mas gusto ko pang pasayahin ang mga KathNiel fans,” emosyonal na wika ni Daniel. Pinasalamatan din ni Daniel ang mga tagahangang gumawa ng paraan para sa sunud-sunod na block screening. Siyempre, nagbigay rin ng pasasalamat si Kathryn. 

“I think this is the perfect time para pasalamatan ang mga fans. Na sa limang taon na ‘yun ay hindi kami iniwan ni DJ, parami pa sila nang parami. Sa mga fans ni DJ, fans ko at fans namin together, the KathNiel Solidarity, thank you very much!” sey pa ni Kath. 

Banggit pa rin ng sikat na young actress, ang saya-saya nila dahil nagiging parte sila ni Daniel sa buhay ng fans nila. 

“Promise ko, mas lalo pa namin silang pasasayahin. Gusto naming makita na proud sila sa amin at sa journey na ito, sana hindi nila kami bibitawan at kawak-kamay dito, sa five years na ito, lalo pang magiging strong,” dagdag pa ni Kathryn. 

Sa totoo lang, parehong mahusay umarte sa Barcelona sina Daniel at Kathryn lalung-lalo na ang aktor na pinalakpakan tuloy ng katabi namin at para raw sa kanya ay puwede nang ihanay sa “best actors” ng Star Magic na sina Coco Martin, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz, at Piolo Pascual.

Samantala, sa programa naman ni Vice Ganda last Sunday, kahit hindi direktang inamin ay pahapyaw nang binanggit ni Daniel na silang dalawa na nga ni Kathryn sa tunay na buhay. 

Wala pang kumpirmasyon pero banggit pa ng isa na malapit sa dalawa, may relasyon na talaga ang KathNiel.

(JIMI ESCALA)