Naitala ng College of Saint Benilde ang kasaysayan sa NCAA basketball – tanging koponan sa nakalipas na taon na nakapagtala ng 17 sunod na kabiguan.
Nanatiling bokya ang Blazers nang gapiin ng Emilio Aguinaldo College, 66-63, kahapon sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa San Juan Arena.
Sa kabila ng paglalaro na wala ang key players na sina Sidney Onwubere na pinatawan ng isang larong suspension at Francis Munsayac na may iniindang lower back contusion, nagawa pa ring magwagi ng Generals.
“Halos kinain kami sa rebound, laking kawalan ni Sidney sa rebound,” sambit ni EAC head coach Ariel Sison.
“Buti na lang nandiyan si [Jeric] Diego at Jervin [Guzman]. Nag-step up sila. Pinag-usapan namin kanina na sila ang dapat mag-step up,” aniya.
Lamang pa ng siyam ang Generals, 53-62, papasok sa huling dalawang minuto ng laro ngunit sa pagkakataong ito hindi basta sumuko ang Blazers at nagawa pang idikit ang laban,62-63,kasunod ang 9-1 run na pinasiklab nina Carlo Young at Christian Fajarito, may 26 segundo ang nalalabi sa laro.
“Kala namin tapos na yung game noong up kami ng seven points,” ani Sison. “Sabi ko hindi puwedeng ganun, kailangan talaga solid hanggang mag-buzzer.”
Ngunit, hanggang doon lamang ang inabot ng kanilang paghabol habang sinelyuhan ni Jorem Morada ang kanilang panalo sa pamamagitan ng dalawang freethrow sa natitirang 17 segundo.
May tsansa pa sanang tumabla ang Blazers ngunit tumama lamang sa rim ang huling pagtatangka sa three-point ni Young sa buzzer.
Iskor:
EAC (65) – Morada 18, Laminou 12, Diego 9, Guzman 9, King 5, General 5, Corilla 3, Mendoza 2, Pascua 2, Neri 0, Serrano 0, Aguas 0
CSB (62) – Young 14, Leutcheu 12, Dixon 10, Fajarito 8, Haruna 7, Suarez 4, Domingo 3, Castor 2, Belgica 2, Pasamante 0, Pajarillaga 0, Saavedra
Quarterscores:
15-16, 33-29, 49-42, 65-62 (Marivic Awitan)