Pormal na humingi ng tawad si Senator Antonio Trillanes IV sa kanyang ginawa noong nakaraang Huwebes sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights.

Sa kanyang liham na ipinadala kay Senator Alan Peter Cayetano, nangako si Trillanes na hindi na mangyayari uli ang kahalintulad na insidente.

“This is to express my apologies for my demeanor during last Thursday’s hearing on the Senate Committee on Justice and Human Rights . It was brought about because of the intense passion and emotion of the moment, Nonetheless it was uncalled for,” nakasaad sa liham ni Trillanes.

Ang liham ay ipinadala rin ni Trillanes sa tanggapan nina Senate President Aquilino Pimentel III at Senator Leila de Lima.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Matatandaang pinatay ni Trillanes ang switch ng mikropono ni Cayetano dahil na rin sa hindi maawat na pagsasalita nito sa gitna ng mainit na testimonya ni Edgar Matobato, ang self-confessed hitman ng Davao Death Squad (DDS).

(Leonel M. Abasola)