BRUSSELS (AFP) – Isang 17-anyos na may nakamamatay na sakit ang naging unang menor de edad na pinayagang mamatay sa Belgium simula nang alisin ang age restrictions sa mercy killing sa bansa noong 2014, napag-alaman nitong Sabado.

“The euthanasia has taken place,” sabi ni Jacqueline Herremans, miyembro ng federal euthanasia commission ng Belgium, idinagdag na isinagawa ito alinsunod sa batas.

Hindi na nagbigay ng detalye si Wim Distelmans, pinuno ng euthanasia commission, sa sangkot na menor bukod sa ito ay isang hindi pangkaraniwang kaso ng bata na mayroong nakamamatay na sakit, iniulat ng pahayagang Het Nieuwsblad.

Sa kabuuan ay mahigit 2,000 mercy killings ang idineklara sa Belgium noong nakaraang taon, ang pinakamalaki simula nang gawin itong legal noong 2002.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'