Ipinagmalaki ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang paggamit ng Fair Recruitment Principles and Operational Guidelines sa International Labor Organization (ILO), sa ginanap na pagpupulong ng tripartite experts sa Geneva, Switzerland.
“This landmark effort is made more significant by the fact that the Philippines presided over deliberations and negotiations as Chairperson of the ILO Experts Meeting, which comprised around 60 delegates, including tripartite experts from governments, workers’ and employers’ representatives, and observers from international organizations and civil society,” pahayag ng kalihim.
Sa ulat na ipinarating ng DoLE-Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Geneva kay Bello, hinirang si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Hans Leo Cacdac bilang chairperson, ng tripartite experts.
Ang operational guidelines ay naglalayong magkaloob ng komprehensibong gabay para sa ILO Member States sa “fair recruitment”, na ang pangangalap ng mga manggagawa sa internasyonal na pamantayan ng paggawa ay may paggalang sa karapatang pantao, walang diskriminasyon at pagprotekta sa mga manggagawa sa mapang-abusong sitwasyon. (Mina Navarro)