Ipagpapatuloy ngayong araw ang pagdinig sa mga sunud-sunod na patayan, kaugnay pa rin sa kampanya ng pamahalaan laban sa droga.
Ang pagdining ng pinagsamang Senate Committee on Human Rights at Public Order, ay ipinagpaliban noong Martes.
Ayon kay Senator Leila de Lima, ipagpapatuloy nila ni Senator Panfilo Lacson ang pagdinig ngayong araw upang malaman kung sino at ano ang pwedeng mabalangkas na mga batas.
Hindi bababa sa 2,000 katao o 40 bawat araw ang napapaslang mula nang ikasa ng pamahalaan ang kampanya kontra sa ilegal na droga.
Para naman kay De Lima, dapat na idaan sa legal na proseso ang kampanya dahil meron nang mga inosenteng nadadamay.
(Leonel M. Abasola)