SA ikalabinlimang anibersaryo ng 9/11 o pag-atake ng terorista noong Setyembre 11, ginunita ng celebrities sa buong mundo ang 3,000 katao na nasawi sa trahedya

Nagtungo ang iba, tulad ng aktor ng Saturday Night Live na si Pete Davidson, sa lugar na pinangyarihan ng pag-atake.

Kasama sa biktima ang ama ni Davidson, bumbero sa New York City, sa terrorist attack sa World Trade Center nang siya ay pitong taong gulang pa lamang. Sa Instagram noong Sabado, ibinahagi ni Davidson ang larawan ng kanyang kabataan kasama ang ama na umiinom ng Heineken beer. Ang caption na inilagay niya sa litrato, “Can’t believe tomorrow is going to be 15 years. Missing the legend!!! Thank u all for ur kind words and support as always #werememberthem.”

Nagbahagi rin ng tribute ang biggest stars sa Hollywood mula kay Lady Gaga hanggang kay Ryan Seacrest para sa mga biktima ng trahedya at sa mga bayani na nagsakripisyo para matulungan ang ibang tao na makaligtas.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Dumalaw ang presidential candidates na sina Hillary Clinton at Donald Trump sa 9/11 Memorial Service sa Ground Zero sa downtown Manhattan noong Linggo ng umaga. (People.com)