Ipinahayag ni Joel Sy na kailangang magparehistro ang mga nagnanais na sumabak sa BNTV Cup.

Ang BNTV Cup ay patuloy na umaani ng suporta at lumalawak ang bilang ng mga naniniwala sa layunin ng mga tagapagtatag nito na sina Joey Sy, Eddie Boy Ochoa at Edwin Saliba.

“Lahat ng mga interesado na ma-wingband ang kanilang mga katyaw o cockerels ay dapat na isumite sa pamamagitan ng text message ang kanilang pangalan, address at contact number sa alinman sa dalawang BNTV Cup hotlines na Globe (09273109658) or Smart (0920-5879705),” pahayag ni Sy.

Ang ideya ng BNTV Cup ay nabuo dahil sa tagumpay ng Shanghai Joe promotion ni Caloy Lam ng Cagayan de Oro; pati na ang DMG Cup (Davao Matina Gallera Cup) at ang  A-Cup (Arthur Uy Cup) na tatlo sa mga taunang stag circuits sa Mindanao, partikular sa Davao na ginaganap taon-taon sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Ang layunin ay mag-breed sa mga buwan ng Setyembre at Oktubre upang makapagpapisa mula Oktubre hanggang Nobyembre. Ang mga sisiw na ito ay tamang-tama nang ilaban sa susunod na taon sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto na panahon naman kung kailan lugon ang mga matatandang tinale at ang malaking bilang ng mga sabungan sa Pilipinas ay halos sarado dahil sa kawalan ng naglalaban. Iyan ang kawalan na nais natin mapunuan,” sambit ni Sy.

Ang Luzon-wide na wing-banding ay gaganapin sa Enero 3-17, 2017, sa mga piling sabungan sa Luzon, sa maliit na halaga na P15 kada sisiw.

Samantala, sa mga lugar sa labas ng Luzon na nagpapahayag ng kanilang pagsuporta at pagsali, sinabi ni Sy na ikokonsidera nang pagpapadala ng banding team kung makakabuo nang hindi kukulangin sa 50 lahok.