Mga Laro sa Miyerkules (Ynares Sports Center, Antipolo City)

4:15 n.h. -- Globalport vs Blackwater

7 n.g. -- Ginebra vs Phoenix

 

Marcio Lassiter PBA record holder na; Beermen itinumba ang Ginebra

Inaasahang lalagda ng bagong kontrata sa Rain or Shine si multi-titled coach Yeng Guiao.

Sinabi ni Guiao na kinausap na siya ng management para palawigin ang samahan na nagresulta nang dalawang kampeonato sa loob ng anim na season.

“Kinausap na ako, hopefully ma-finalized ang lahat anytime this week,” sambit ni Guiao.

Magtatapos ang kontrata ni Guiao sa Setyembre 30.

Sa pangangasiwa ni Guiao sa prangkisa na sumali sa pro league noong 2007, naging matatag ang koponan at naging palaban sa bawat conference.

Naitala ng Rain or Shine ang ‘Cinderela’ finish nang magkampeon sa 2012 Governors’ Cup kontra sa paboritong San Mig Super Coffee.

Sa kasalukuyang OPPO-PBA Governors Cup, laglag ang Painters sa 4-6 nang magapi ng San Miguel, 82-75, dahilan para malagay sa alanganin ag kanilang kampanya na makausad sa quarterfinal.

“We’re still positive that we can make it to the next round. Our focus now is on playing Star in our next game. That’s our focus,” pahayag ni Guiao. - Waylon Galvez