Mga Laro Ngayon (The Arena, San Juan)

9 n.u. -- Mapua vs Letran

10:45 n.u. -- St. Benilde vs Arellano

12:30 p.m.- San Beda vs EAC

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

2:15 n.h. -- San Sebastian vs LPU

4 n.h. -- Jose Rizal vs Perpetual

Makalapit sa inaasam na twice-to-beat advantage sa playoff ang tatangkain ng defending champion San Beda sa pagsagupa sa sibak ng Emilio Aguinaldo ngayon sa  92nd NCAA juniors basketball tournament sa San Juan Arena.

Nasa solong pamumuno ang Red Cubs kasunod ang impresibong 96-83 panalo kontra Letran Squires para mahila ang karta sa 14-1.

Dahil dito, paborito sila na muling manaig kontra Brigadiers, na mayroon lamang dalawang panalo sa 14 na laro sa paghaharap nila ganap  na 12:30 ng hapon.

“That’s our next goal, to get that twice-to-beat advantage,” ayon kay San Beda coach JB Sison.

Mahigpit na katunggali ng San Beda sa pinag-aagawang top two spots sa Final Four ang Arellano University, St. Benilde-La Salle Greenhills at Mapua, na siyang magkaksunod mula ikalawa hanggang ika-4 na puwesto.

Kaya naman tiyak ang maigting ang salpukan ng Braves (13-2) at Junior Blazers (12-3) sa paghaharap nila sa laro sa 10:45 ng umaga, kasunod nang tapatan ng Robins (11-3) at Squires ganap na  9:00 ng umaga.

Magtutuos ang  San Sebastian (2-12) at Lyceum of the Philippines (7-8) ganap na 2:15 ng hapon habang magsasagupa ang Jose Rizal University (2-12) at University of Perpetual Help (4-11) ganap na  4:00 ng hapon. - Marivic Awitan