Mga laro ngayon (MOA Arena)

4:30 n.h. -- Mahindra vs Meralco

6:45 n.g. -- Star vs TNT

Ni Marivic Awitan

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Liyamado ang Talk ‘N Text sa pakikipagtuos sa sadsad na Star Hotshots, habang magkakasubukan ang Mahindra at Meralco sa double-header ng OPPO-PBA Governors Cup ngayon sa MOA Arena.

Target ng Katropa na mapatatag ang kapit sa liderato at inaasahang maisasakatuparn nila ang layunin sa larong nakatakda sa 6:45 ng gabi.

Galing ang Katropa sa malaking 105-85 panalo kontra defending champion San Miguel Beer sa provincial game sa Batangas City kamakailan.

Sa nasabing laban, umiskor lamang ng 11 puntos si import Mychael Ammons, ngunit naging sandigan ng TNT ang ratsada ng locals sa pangunguna nina Ranidinel de Ocampo at Jayson Castro, gayundin ng Asian import na si Michael Madanly na nakipagtulungan para maisalansan ang kabuuang 49 puntos.

Maliit na ang tsansa ng Star na makaagapay para sa Final 8 slot, subalit kilala rin ang Hotshots sa kanilang pagbangon sa hukay ng kabiguan.

Sakaling masilat nila ang TNT, kakailanganin ng Star na magapi ang Rain or Shine sa kanilang huling laro sa elimination sa Setyembre 16 para makakuha ng playoff sa quarterfinals.

Mauna rito, hangad naman ng Mahindra na magpakatatag sa ika-apat na puwesto at makabangon mula sa natamong dalawang sunod na pagkabigo sa kamay ng Elastro Painters at Barangay Ginebra Kings sa pagsagupa sa Bolts ganap na 4:30 ng hapon.