WASHINGTON (AP) – Labinlimang taon matapos ang September 11 attacks, sinabi ng US anti-terror officials na naging matatag na ang bansa laban sa well-developed plots ngunit nananatiling mahina sa maliliit at home-grown attacks.

Napi-pressure ang counter-terror operations na masupil ang mga plano ng sympathizers ng grupong Islamic State at ng Al-Qaeda na itinatago ng hindi gaanong centralized na networks at ng mga bagong teknolohiya sa komunikasyon, anila.

“Our job is getting harder,” sabi ni Nick Rasmussen, ang makapangyarihang director ng National Counterterrorism Center.

Ang 9/11 attacks ay nagbunga ng US War On Terror, na noong una ay nakapokus sa Al-Qaeda at Taliban.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ngunit makalipas ang 15 taon, nag-iba na ang target, ang Islamic State na sinakop ang mga teritoryo sa Syria at Iraq at inimpluwensiyahan ang mga pag-atake sa Europe at United States ng mga sarili nitong mamamayan. Maliliit ang mga pag-atake kumpara sa 9/11 ngunit kasing lupit at nakapanghihina ng loob.

“The reality is that it has metastasized” mula sa rehiyon ng Iraq at Syria, sabi ni Frank Cilluffo, director ng Center for Cyber and Homeland Security sa George Washington University. “The threat persists and is in some cases more complex.”

“The threat that I believe will dominate the next five years for the FBI will be the impact of the crushing of the caliphate,” o ang grupong IS, sinabi ni James Comey, director ng Federal Bureau of Investigation.

Hinulaan ni Come na magpapakawala ang IS ng “hundreds of hardened killers” na makikihalo sa mga karaniwang tao. Karamihan sa kanila ay patungo sa hilaga para magtago sa Europe.

“We are facing this ‘going dark’ phenomenon where we cannot see these people,” aniya.