Matapos isagawa ang naging mainitan na Top-Level Consultative Meeting para sa isinusulong na Philippine Sports Institute, ipagpapatuloy ng Philippine Sports Commission (PSC) ang programa sa gaganaping National Consultative Meeting sa Setyembre 22-23 sa Multi-Purpose Arena, Philsports, Pasig City.

Sinabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na nakatuon sa dalawang araw na diskusyon ang paglalatag ng kalendaryo nang aktibidad ng ahensiya sa susunod na anim na taon at pagkunsulta sa mga stakeholder para sa sports development plan ng ahensiya.

“Our objective in the two day national consultative meeting is (1). To roll-out the calendar of activities of Philippine Sports Commission (PSC), (2.) To consult the Local Government Units (LGUs), DEPED, DILG and other National Government Agencies (NGAs) on the content of PSC Development Plan 2016-2022, and (3.) To present and discuss the structure and programs of Philippine Sports Institute,” pahayag ni Ramirez.

Inimbitahan ng PSC ang lahat ng local government units at napiling mga national government agencies na makilahok.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inaasahan ng PSC ang kabuuang 500 sports head, gayundin ang mga city at provincial sports director na makikiisa sa layunin ng PSC.

Magbibigay ng libreng accommodation ang PSC para sa delegado na magmumula sa malalayong lalawigan. Dahil 250 lamang ang kaya sa Philsports, ipatutupad ang first come, first served basis.

Ang deadline of submission ng mga delegasyon ay hanggang Setyembre 19. (Angie Oredo)