North Carolina (AFP) – Dalawang lalaki na pinaghihinalaang miyembro ng isang network na nang-hack sa mga emailng matataas na opisyal ng Amerika kabilang na kay CIA chief John Brennan ang inaresto noong Huwebes sa North Carolina.

Sina Andrew Otto Boggs, 22, at Justin Gray Liverman, 24, ay inaakusahan ng pakikiisa sa grupo ng hackers na binansangang “Crackas With Attitude,” ipinahayag ng Justice Department.

Pinasok ng mga miyembro ng network ang personal data ng mga opisyal at kanilang mga pamilya mula Oktubre 2015 hanggang Pebrero 2016, kinuha ang mga pribadong impormasyon at inilathala ang sa public sites o tinakot ang kanilang mga biktima sa telepono, ayon sa departamento.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo