NEW YORK (AP) — Napalaban nang husto si Serena Williams, ngunit tulad nang isang beteranong mandirigma nagawang pabagsakin ang karibal na si Simona Halep, 6-2, 4-6, 6-3, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila para makausad sa semifinals ng women’s single ng US Open tennis championship.

Nakamit ni Halep, 2014 French Open runner-up at seeded No. 5, ang taguri bilang unang player na nakabasag sa service play ni Williams sa torneo, ngunit matapos mabokya sa 12 break point sa second set, hataw si Williams para makuha ang 3-1 bentahe tungo sa panalo at hilahin ang record winning run sa Grand Slam. Naitala niya ang kabuuang 18 ace.

Target ni Williams ang ikapitong titulo sa Flushing Meadows at ika-23 sa kabuun ng major tournament.

Sa nakalipas na taon, puntirya ni Williams ang calendar-year Grand Slam, ngunit nasilat siya ng unseeded na si Roberta Vinci ng Italy sa semifinals.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Makakaharap niya sa Final Four match sa Huwebes (Biyernes sa Manila) ang 10th-seeded na si Karolina Pliskova ng Czech Republic, nagwagi kontra sa 34-anyos na nakatatandang kapatid ni Williams na si Venus sa fourth round.

Sa men’s single, nabigo si Andy Murray sa kampanya na sundan ang matikas na panalo sa Rio Olympics nang patalsikin ni Japanese star Kei Nishikori sa pahirapang 1-6, 6-4, 4-6, 6-1, 7-5 desisyon sa quarterfinals.

"I broke serve enough times. I just didn't hold serve enough. That was the difference,” pahayag ni Murray patungkol sa laro na umabot nang mahigit sa apat na oras.