Maliit na budget lamang ang hinihiling ng Office of the Vice President (OVP).

Ito ang binigyang-diin ni VP Leni Robredo sa pagdinig ng Senate Finance Committee ni Senator Loren Legarda sa inilatag na panukalang P428 million budget ng OVP.

Ayon kay Robredo, maliit kasi ang upa niya sa Quezon City Reception House (QCRH), dating kilala bilang Boracay Mansion, kumpara sa tanggapan ni dating VP Jejomar Binay sa Coconut Palace. Umabot sa P500 million ang dating budget ng OVP.

Sinabi ni Robredo na halos 48% ang kanilang natipid sa tubig at kuryente. Kaunti rin ang isinasama niyang mga tauhan kapag lumalabas kaya’t maliit din ang kanyang travel allowance. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'