NCAA copy

Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

10 n.u. -- St. Benilde vs LPU (jrs)

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

12 n.t. -- Letran vs San Beda (jrs)

2 n.h. -- EAC vs Mapua (srs)

4 n.h. -- St. Benilde vs San Sebastian (srs)

Makasingit sa No.4 spot ang puntirya ng Mapua sa pakikipagharap sa delikado na ring Emilio Aguinaldo College sa krusyal na sitwasyon sa NCAA seniors basketball tournament ngayon sa San Juan Arena.

Nasa gipit na katayuan sa ikalimang puwesto, target ng Cardinals na makaagapay sa kampanya sa Final Four sa pakikipagtuos sa Generals ganap na 2:00 ng hapon.

Manggagaling ang Cardinals sa 101-97 overtime na panalo kontra San Beda Red Lions at kumpiyansa silang masusundan ito nang mas magaan para patatagin ang laban sa susunod na round.

Halos magkakadikit ang karta sa top four team, sa pangunguna ng Arellano (11-3) matapos gapiin ang Lyceum of the Philippines, 78-75, nitong Martes sa Filoil Flying V Centre.

Hataw si Jio Jalalon sa naiskor na 33 puntos para patatagin ang Chiefs sa ibabaw ng team standings.

“We really needed that. Very precise and accurate ’yung decision-making niya,” sambit ni Arellano coach Jerry Codinera.

Magtutuos naman sa mistulang no-bearing game ang bokya at kulelat na St. Benilde at San Sebastian ganap na 4:00 ng hapon.

Muling aabangan sa nasabing laro ang reigning league MVP na si Allwell Oraeme na siyang namumuno sa kampanya ng Mapua.

Bukod sa 6-9 Nigerian, kabilang sa mga sasandigan ng Cardinals ang mga locals na sina Joseph Eriobu at team captain CJ Isit.

"For us to have a chance of winning this year, we need a total team effort not just rely on Allwell (Oraeme) or two or three players," ayon kay Mapua coach Atoy Co.

Bagama’t may kalabuan na ang pag-asa na pang makahabol sa Final Four, delikado pa ring katunggali ang EAC na galing sa magkasunod na panalo kontra Jose Rizal University, 63-60 at Lyceum of the Philippines 78-76, para umangat sa barahang 5-9.

Iskor:

Arellano (78) — Jalalon 33, Flores 15, Salado 13, Aguilar 5, Villoria 3, Zamora 3, Enriquez 2, Cadavis 2, Holts 1, Gumaru 1, Nicholls 0, Meca 0.

Lyceum (75) — Ayaay 18, Marata 15, Nzeusseu 14, Caduyac 7, Soliman 6, Gabayni 5, Baltazar 4, Alban 3, Magbuhos 2, Rubite 1, Bulawan 0, Malabanan 0.

Quarterscores:

17-11; 36-29; 55-55; 78-75.