Taylor at Tom copy

TINAPOS na nina Taylor Swift at Tom Hiddleston ang kanilang tatlong buwang relasyon, kinumpirma ng maraming source sa bagong issue ng Us Weekly.

“She was the one to put the brakes on the relationship,” sabi ng source na malapit sa couple sa Us. “Tom wanted the relationship to be more public than she was comfortable with. Taylor knew the backlash that comes with public displays of affection but Tom didn’t listen to her concerns when she brought them up.”

Ngayong hiwalay na sila, saad ng source, si Hiddleston ay “embarrassed that the relationship fizzled out.”

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Kaya naman kahit maganda ang simula ng dalawa, nagkaroon pa rin ng tensiyon nang nagtungo si Hiddleston sa Australia para sa kanyang pelikulang Thor: Ragnarok, habang si Swift ay nanatili naman sa states.

Iniulat ng Us kamakailan na nagsimula ang unang matinding pag-aaway ng dalawa noong Agosto.

“It was an intense start,” pahayag ng isang Hiddleston insider. Dagdag naman ng source na malapit sa couple, “They get along great and will remain friends, but they just don’t see it working romantically right now.” 

Naging ‘rebound’ ni Swift, 26, ang British hunk, 35, dalawang linggo pagkaraang makipaghiwalay sa ex-boyfriend na si Calvin Harris noong Hunyo. (Ang Scottish DJ, 32, ay nakikipagmabutihan naman sa Mexican actress-singer na si Eiza Gonzalez)

Nagkakilala sina Hiddleston at Swift sa 2016 Met Gala noong Mayo, at ginulat ang Internet world nang mamataang naghahalikan sa Rode Island noong Hunyo. “They were all over each other — hugging and kissing — even though there were 20 people coming and going on the beach. They looked like any young couple madly in love without a care in the world.”

Nang maipakilala ang kani-kaniyang magulang sa isa’t isa, nagtungo ang dalawa sa Rome at Australia, at doon humingi ng suporta si Swift kay Hiddleston sa sigalot kina Kim Kardashian at Kanye West. “Tom is really being so supportive and telling her to be calm,” sabi ng source sa Us nang panahong iyon.

Noong Hulyo, kinumpirma ng aktor ang kanyang relasyon kay Swift sa The Hollywood Reporter, na itinanggi na para sa publicity lamang ito. “Well, um, how best to put this? The truth is that Taylor Swift and I are together and we’re very happy. Thanks for asking,” sinabi ni Hiddleston sa THR. “That’s the truth. It’s not a publicity stunt.”

Bumalik rin ang dalawa sa Los Angeles noong Hulyo 22 at huling namataan na kumakain sa Hillstone restaurant ng Santa Monica noong Hulyo 28. Nakita si Swift na nagwo-workout sa NYC na hindi kasama si Hiddleston noong Agosto 10.

Simula noon ay lagi nang namamataan ang pop superstar na mag-isa. Isang araw bago ginampanan ang kanyang jury duty sa Nashville, dumalo si Swift sa dual baby shower ni Blake Lively at 29th birthday party sa Bedford Post Inn sa New York City noong Agosto 28.

Eksklusibo ring ibinunyag ng Us, na dumating sa punto na plinano ni Hiddleston na mag-propose sa pop star. “(He) has been a dream come true,” sabi ng isang swift source sa Us. “He’s so romantic, classic and chivalrous, and he’s doing everything right.… She would definitely say yes.” US Weekly