Nais ni Senator Panfilo Lacson na ibalik sa Philippine National Police (PNP) ang kapangyarihang makapag-isyu ng subpoena sa mga tao at mga dokumentong kinakailangan para sa mga isinasagawang imbestigasyon.

Sa kanyang Senate Bill 1052, sinabi ng dating PNP Chief na hangad niyang magkaroon ng mas mataas na kredibilidad ang resulta ng mga imbestigasyong isinasagawa ng ahensya.

Sa ilalim ng panukala ni Lacson, partikular na binibigyan ng kapangyarihan na makapag-isyu ng subpoena ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?