Joey Marquez copy copy

NAKAGUGULAT na ang tagal nang magkarelasyon nina Wynwyn Marquez at Mark Herras at may tsika ngang magpapakasal na pero hindi pa pala ipinakikilala ng dalaga ang boyfriend niya sa amang si Joey Marquez.

Sa one-on-one interview kay Tsong Joey sa Tonight With Boy Abunda noong Huwebes, tinanong siya ni Kuya Boy kung ano ang pakiramdam kapag ang mga anak niya ay isa-isa nang magpapaalam para mamuhay nang sarili at isa na nga si Wynwyn na balitang ikakasal na kay Mark.

Sabi ni Joey, ngayon lang niya narinig ang tsika dahil hindi pa ipinakikilala sa kanya si Mark.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Kasi mayroon akong rule sa kanila na, ‘huwag n’yong ipapakilala sa akin kung sino man ang boyfriend n’yo kasi baka mag-away kayo, iwanan kayo, umiyak kayo, hahanapin ko sila. Pakilala n’yo sa akin kapag magpapakasal na kayo.”

Sa madaling sabi, testing the waters pa ang drama nina Wynwyn at Mark kaya hindi pa sila humaharap kay Tsong Joey?

Sabi pa ng aktor, kilala naman niya si Mark dahil kapwa niya ito artista, pero hindi bilang boyfriend ng anak niya.

Anyway, natanong din si Joey kung anong klaseng ama siya sa totoong buhay at kung umaasa ba siya sa mga anak niya katulad ng papel niya sa Barcelona: A Love Untold na umaasa kay Daniel Padilla na anak niya sa pelikula?

“Siguro sa tunay na buhay, ako ‘yung amang may pride na hindi aasa sa mga anak ko. Parati kong sinasabi sa kanila, what is mine is yours, what is yours is yours,” katwiran ni Joey.

“Napaghandaan ko naman ang buhay ko, kailangan, eh, kasi ang pinakamahirap sa buhay, matanda ka na, wala ka pang mapuntahan, wala ka pang magastusan at umaasa ka pa, napakasakit nu’n,” magandang sabi ng aktor.

Samantala, unang pakikipagtrabaho pa lang ni Joey kay Direk Olive Lamasan sa Barcelona: A Love Untold na labis na ikinatutuwa ng aktor.

“Nu’ng in-offer nga sa akin ito at sinabing si Direk Olive ang direktor, sabi ko, kahit na anong istorya, okay ‘yan, kasi alam ko naman at saka ang perception ko sa kanya, perfectionist siya at magaling siyang mag-motivate sa artista and as an old timer na artista, ang alam ko ay hindi ko pa alam ang lahat, kaya gusto ko pa ring matuto,” ani Joey.

May girlfriend ngayon si Joey pero hindi niya pinangalanan.

“I’m seeing someone,” aniya. “I’m proud to say that I am with someone.”

Mapapanood na ang Barcelona: A Love Untold sa Setyembre 14 bida sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at kasama rin sina Joshua Garcia, Aiko Melendez at iba pa mula sa Star Cinema. (Reggee Bonoan)