jackie [pls crop] copy

USAP-USAPAN sa apat na sulok ng Manila City Hall ang pagkaka-appoint ni Mayor Joseph Estrada sa anak niyang si Jackie Ejercito bilang chairman ng MARE Foundation. Kung ilang beses na raw kasing naudlot ang planong ito ni Erap.

Ayon sa nakausap naming isa sa mga staff ng Manila Mayor’s office, kung ilang beses na raw tumanggi si Ms. Jackie para pamunuan ang nabanggit na foundation pero lately raw ay nakumbinsi na rin siya ng ama.

Kaya bukas, Miyerkules, pormal nang itatalaga ang anak nina Mayor Erap at Dr. Loi Ejercito na si Jackie Ejercito sa nasabing posisyon at papalitan niya ang kanyang ina.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Last 1996 pa itinatag ni Erap ang nasabing foundation na tumutulong sa pamamagitan ng medical mission sa ibang bansa pero ngayon ay malamang daw na tutukan nito ang mga residente ng Maynila. This early tuloy ay may kumakalat nang isyu na malamang daw na si Jackie ang patatakbuhin ni Mayor Erap sa inuukopa niyang posisyon sa susunod na local elections.

Pero mukhang aware din naman daw ang kampo ni Ms. Jackie sa mga isyu tungkol sa kanya dahil ganoon na lang ang pag-iwas nito sa anumang mga tanong tungkol sa personal na buhay.

“Ilang taon na rin namang hiwalay si Jackie sa naging asawa niyang isa sa mga Lopez at may tsismis noon sa kanila ng isang pulitiko na natalo nu’ng katatapos na eleksiyon at naging kaibigan ng pamilya Estrada pero mukhang hindi naman yata totoo ‘yun,” sey pa ng nakausap naming staff.