Laro ngayon

(Batangas City)

5 n.h. – TNT vs SMB

Itatayang muli ng Talk ‘N Text ang pamumuno sa pagsagupa sa defending champion San Miguel Beer ngayong hapon sa pagpapatuloy ng aksiyon ng 2016 PBA Governors’ Cup sa Batangas City.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Ganap na 5:00 ng hapon ang salpukan ng dalawang koponan na gaganapin sa Batangas City.

Kahit nabigo sa Mahindra sa nakaraan nilang laro, nanatiling nangunguna ang Tropang Texters sa hawak nitong 7-1 karta.

Nasa likuran nila ang Beermen na may barahang 6-2.

Sa pagkakataong ito, masusubukan ng husto ang depensa ng Tropang Texters dahil madadagdagan ang kanilang pipigilin bukod kina ace slotman June Mar Fajardo at pansamantalang import na si Michael Singletary dahil dumating na ang kanilang Asian import na si Jordanian Mahmoud Abdeen. (Marivic Awitan)