Grand Slam record victory, napantayan ni Williams.

NEW YORK (AP) — Malayo man sa nakasanayang tikas at porma, nailusot ni Serena Williams ang 6-3-6-3 panalo kontra Vania King nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) para pantayan ang career winning record sa professional-era ni Martina Navratilova sa Grand Slam tournament.

Napantayan ni Williams ang 306th career victory ni Navratilova sa kanyang pag-usad sa third round ng US Open.

"I just think it should have been a different scoreline for me. I feel like I made a lot of errors," pahayag ng world No. 1 at top seed. "But, you know, there's nothing I can do about that now. What really matters is I got the win.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hopefully I'll just get better."

Ngunit, kung tutuusin, impresibo na ang laro ni Williams tampok ang 13 ace sa service play na may bilis na 121 mph.

Tangan niya ang 38-4 winner at natalo lamang sa anim na laro bago naitala ang panalo sa loob ng 65 minuto.

"I just didn't have a great day," giit ni Williams.

Sa men’s single match, nakausad si Andy Murray nang gapiin si Marcel Granollers, 6-4, 6-1, 6-4, habang tinanghal si Rafael Nadal ng Spain bilang unang player na nagwagi sa Arthur Ashe Stadium.

Tinalo ng fourth-seeded Spaniard si Andreas Seppi, 6-0, 7-5, 6-1, para makasama ni Murray sa third round.

Umabot sa US$150 million ang ginasta para mapalagyan ng bubong ang pamosong stadium.