SA ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, naniniwala ako na ang draft charter na binuo ng Constitutional Commission (Con-Com) at pinag-isipan ni House Speaker Pantaleon Alvarez, na binubuo ng mga eksperto na makatutulong sa paggabay sa Kongreso, na bubuo sa Constituent Assembly na magrerebisa sa ating 1987 Konstitusyon.
Ang pagpili ni Alvarez kay dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno bilang ConCom chair ay mas nagpalalim sa aking pananalig.
Noon pa man, nagpamalas na ng paninindigan at kahusayan si Puno sa paglilingkod sa ating mga kababayan at sa ating bansa. Naniniwala ako na hindi mahihirapan ang Kongreso, bilang isang Constituent Assembly, sa pagsunod sa model charter na ihahain ng Con-Com.
Ilan sa mga sumusuporta sa Con-Com ay sina dating Senate President Aquilino Pimentel Jr., abogadong si Reuben Canoy, San Beda Law School Dean Fr. Ranhilio Aquino, Fr. Joaquin Bernas, Prof. Jack Jimenez, at mga representante mula sa non-government organizations, academe at iba pang sector sa buong bansa.
Kinakailangang intindihing mabuti ng media practitioners ang mga mensahe ni Pangulong Duterte na kanyang ipinahahayag sa makulay na paraan, na madalas nabibigyan ng ibang kahulugan.
Itinalaga ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle si D. Edgard Cabangon, ang anak ng yumaong si Ambassador Antonio Cabangon Chua, patriarch ng ALC Group of Companies na binubuo ng media institutions, bilang Catholic Mass Media Awards (CMMA) Foundation chair upang pumalit sa kanyang yumaong ama.
Noong 1999, si Amba Tony, ay itinalaga ni Jaime Cardinal Sin bilang CMMA Board of Trustees chairman at president, at ang inyong lingkod bilang board secretary.
Ang iba pang CMMA trustees at officers na itinalaga ni Cardinal Tagle ay sina: Antonio Henson, vice chair; Philip Juico, treasurer; ang inyong lingkod, board secretary; Rosie Lovely Romulo, Atty. Patricia Bunte, Ma. Evelina Atienza, Engr. Feorelio Bote, Antonio Cabangon, Jr., trustees; at si Fr. Rufino Sescon, Jr., executive director; Fr. Joselito Buenafe, over-all chairman ng CMMA production; Benjamin Ramos, assistant to the chairman; at Fr. Hans Maguruland, judges’ coordinator.
Ayon kay Cardinal Tagle, “Archdiocese of Manila recognizes the importance of mass media in the Church and society, and to further encourage media practitioners to promote the gospel and genuine human values, the CMMA was established.” (Johnny Dayang)