NEW YORK (AP) — Naitala ni Ivo Karlovic ng Croatia ang US Open record na 61 ace sa five-set victory sa first round ng prestihiyoso at isa sa apat na major tournament sa tennis.

Nabura ng 6-foot-11 hard-hitting Croatian ang dating marka na 49 na naitala ni Richard Krajicek sa kabiguan sa quarterfinal noong 1999.

Ginapi ni Karlovic, seeded 21st, si Yen-hsun Lu ng Taiwan 4-6, 7-6 (4), 6-7 (4), 7-6 (5), 7-5 nitong Martes (Miyerkules sa Manila). Tinapos din niya ang laro na meron lamang 10 double-faults.

Nailista niya ang 22 ace sa second set— doble sa dami ng bilang na nagawa ni Andy Murray sa kanyang three-set victory nitong Martes.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hawak ni John Isner ang record 113 ace sa kasaysayan ng tennis sa makasaysayang duwelo kontra Nicolas Mahut sa first round ng Wimbledon noong 2010. Natapos ang laro sa iskor na 70-68 sa ikalimang set.

Sa iba pang resulta, nagwagi ang No. 2 seed na si Andy Murray kontra Lukas Rosol, 6-3, 6-2, 6-2, habang nasilat ni American teen Jared Donaldson ang 12th-seeded na si David Goffin, 4-6, 7-5, 6-4, 6-0.

Sa women’s single, nangailangan lamang si top seed Serena Williams ng 63 minuto para gapiin si Ekaterina Makarova, 6-3, 6-3, habang umusad din sa second round ang kapatid na si Venus Williams kontra Kateryna Kozlova ng Ukraine 6-2, 5-7, 6-4.